1/29/2021 0 Comments Enero 29, 2021Marcos 4: 26-34 Biyernes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain; tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano. Ang lupa’y siyang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim: usbong muna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil. Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat nang anihin.” “Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?” sabi pa ni Hesus. “Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan ito? Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Kapag natanim na at lumago, ito’y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito.” Ang Salita’y ipinangangaral ni Hesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito, ayon sa makakaya ng kanilang pangunawa. Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa kanyang mga alagad ang lahat ng bagay. Preacher: Lyn Geron
0 Comments
1/27/2021 0 Comments Enero 27, 2020Marcos 4, 1-20 Miyerkules ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, muling nagturo si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao, kaya’t lumulan siya sa isang bangkang nasa tubig at doon naupo. Ang karamihan nama’y nasa dalampasigan, nasa gilid na ng tubig. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinhaga. Ganito ang sabi niya: “Pakinggan ninyo! May isang magsasaka na lumabas maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Agad sumibol ang mga iyon, sapagkat manipis lamang ang lupa doon; ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga binhing namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga binhing tumubo kaya hindi nakapamunga. At may binhing nalaglag sa matabang lupa, at ito’y tumbo, lumago, at nag-uhay na mainam – may uhay na tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tigsasandaan ang butil.” Sinabi pa ni Hesus, “Ang may pandinig ay makinig.” Nang nag-iisa na si Hesus, ang ilang nakarinig sa kanya ay lumapit na kasama ang Labindalawa, at hiniling na ipaliwanag ang talinghaga. Sinabi niya, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang lihim tungkol sa paghahari ng Diyos; ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinghaga. Kaya nga’t, ‘Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakita. At makinig man nang makinig ay hindi makaunawa. Kundi gayon, marahil sila’y magbabalik-loob sa Diyos at patatawarin naman niya.’” Pagkatapos tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang ibang talinghaga? Ang inihahasik ay ang Salita ng Diyos. Ito ang mga nasa daan, na nahasikan ng Salita: pagkatapos nilang mapakinggan ito, pagdaka’y dumarating si Satanas, at inaalis ang Salitang napahasik sa kanilang puso. Ang iba’y tulad naman ng napahasik sa kanilang puso. Ang iba’y tulad naman ng napahasik sa kabanatuhan. Pagkarinig nila ng Salita, ito’y agad nilang tinatanggap na may galak. Ngunit hindi naman ito tumitimo sa kanilang puso, kaya’t hindi sila nananatili. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Ang iba’y tulad ng napahasik sa dawagan. Dininig nga nila ang Salita, ngunit sila’y naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, naging maibigin sa mga kayamanan, at mapaghangad sa iba pang mga bagay, anupa’t ang Salita’y nawalan na ng puwang sa kanilang mga puso kaya’t hindi sila nakapamunga. Ngunit ang iba’y tulad sa binhing napahasik sa matabang lupa: pinakikinggan nila at tinatanggap ang Salita, at sila’y nagsisipamunga – may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu, at may tigsasandaan.” Preacher: Francis Jerome Delos Santos
1/25/2021 0 Comments Enero 25, 2020Marcos 16: 15-18 Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.” Preacher: Sister Juvy Tenorio
1/22/2021 0 Comments Enero 22, 2020Marcos 3: 13-19 Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: Si Simon na tinagurian niya ng Pedro; Si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya. Preacher: Chickie Locsin
1/18/2021 0 Comments Enero 18, 2020Marcos 2: 18-22 Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. May lumapit kay Hesus at nagtanong, “Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo’y hindi?” Sumagot si Hesus, “Makapag-aayuno ba ang panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno. “Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin naman nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, sapagkat papuputukin ng alak ang balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!” Preacher: Juvy Tenorio
1/15/2021 0 Comments Enero 15, 2020Marcos 2: 1-12 Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.” May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan ay lumakad ka’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggigilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila. Preacher: Lyn Geron
1/13/2021 0 Comments Enero 13, 2020Marcos 1: 29-39 Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya. Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya ay matagpuan, sinabi nila, “Hinanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makaparangal ako roon – ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo. Preacher: Christel Mendoza
1/11/2021 0 Comments Enero 11, 2021Marcos 1: 14-20 Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.” Samantalang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea , nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na naghahagis ng lambat, “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong mamamalakaya ng tao.” Pagdaka’y iniwan nila ang kanilang lambat, at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya ng paglakad, at sa di kalayuan ay nakita niya ang magkapatid sa Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa kanilang bangka at naghahayuma ng mga lambat. Tinawag din sila ni Hesus at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama, kasama ng mga taong upahan. Preacher: Francis Jerome Delos Santos
1/8/2021 0 Comments Enero 8, 2020Lucas 5: 12-16 Biyernes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Noong si Hesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito’y nagpatirapa at namanhik sa kanya. “Ginoo, kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapagagaling.” Hinipo siya ni Hesus at ang sabi, “Ibig ko; gumaling ka!” Pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. At pinagbilinan siya ni Hesus: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.” Ngunit lalo pang kumalat ang balita tugkol kay Hesus, kaya’t dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Hesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin. Preacher: Chickie Locsin
1/6/2021 0 Comments January 06th, 2021Marcos 6: 45-52 Miyerkules kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Preacher: Marichelle Ligon
|
Tagalog Daily ShotsAng inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos. Archives
September 2021
Categories |