12/14/2020 0 Comments Disyembre 14, 2020Mateo 21: 23-27 Paggunita kay San Juan de la Cruz, Pari at Pantas ng Simbahan Lunes sa Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo. Samantalang nagtuturo siya, lumapit sa kanya ang mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan at siya’y tinanong, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa tao?” At sila’y nagusap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.” Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi niya, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.” Preacher: Ed Jose
0 Comments
Leave a Reply. |
Tagalog Daily ShotsAng inyong gabay sa pagninilay ng salita ng Diyos. Archives
September 2021
Categories |